Battle of two kingdom in English Fiction Stories by Chris Servano books and stories PDF | Throne Ring

Featured Books
Categories
Share

Throne Ring

ANG UNANG BAHAGI NG DIGMAAN SA NUHRIM EARTIN






AGE OF EVILDERS:




BAGO pumasok
ang modernong panahon
ng mga tao sa nuhrim eartin
ay may nauna ng panahon
ang umusbong dito, ang age of god's,age of evilders,at age of wrin.


Tinatawag na age of wrin ang panahon ng tatlong lahi. Kabilang sa age of wrin ang lahi ng mga dwarves,elf at high elves.


Kinikilalang may pinakamataas na antas sa lahat ng uri ng mga nilalang sa nuhrim eartin ang mga elves. Sila ang nakatataas sa lahat ng nilalang sa nuhrim eartin kaya't gano'n na lamang ang paggalang ng mga mababang uri sa kanila.


Kinikilala sila bilang isang mga diyos na naninirahan sa banal na bundok na kung tawagin ay puting bundok. Sila ang nagbibigay buhay sa mga halaman at lupa sa nuhrim eartin.


Ang nuhrim eartin ay isang mundo na maraming kahariang nasasakupan. Sa kabilang parte ng nuhrim eartin matatagpuan ang ipinagbabawal na lupain ang nether kung saan naninirahan sa lupaing ito ay ang dalawang lahi ng mga orcs, ang berde at ang kulay kayumanggi. Nahahati sa dalawang lupain ang nether,ito ang nether land at nether way.


Sa malalayong lugar ng nether way mayroong mga maliliit na bayan ang nakatayo na itinatag ng mga berdeng orc. Sila ang mga orc na hindi umanib sa kasamaan ng nether land bagkos umalis sila sa nether land at nagtatag ng sariling tahanan sa lupaing hindi nito sakop.


Ang teruvron ay ang lupain ng mga evilders at tinuturing na kaaway. Masama kung maituturing dahil sa kanilang mapaghimagsik na alyansa laban sa mga kaharian na nasasakupan ng white counsel.


Sa pamamahala ng white counsel nasa ilalim nila ang lahat ng mga kaharian sa nuhrim eartin kabilang na ang may pinakamalawak na lupain sa nuhrim eartin ang teruvron. Ang lupain ng teruvron ay sagana sa bakal at mga kagamitang pandigma at nasa kanila rin ang dami ng mga sundalo.


Ngunit sinira ng hari nito ang kasunduan at kumalas sila sa white counsel at nagtatag sila ng sarili nilang kunseho. Sa ilalim ng pamamahala ng white counsel ang nasasakupan nitong kaharian ay hindi maaaring umaklas dahil iyon sa mga iniwang sulat at tinta gamit ang kani-kanilang mga dugo ngunit hindi tumupad ang hari ng teruvron.


Bago likhain ang itim na aklat ay nauna nang likhain ni lady haliya ang singsing,nilikha niya ito upang magsilbing gabay at proyeksiyon sa nuhrim eartin ngunit tinangka itong kunin ni bakunawa.

Winasak ni lady haliya ang singsing at nahati ito sa dalawa,doon nagsimula ang unang bahagi ng kagulohan.

Nilikha ng diyos ng kadiliman ang itim na aklat na siyang naging sanhi ng digmaan at kasarinlan sa nuhrim eartin. Ang itim na aklat ang siyang maghahari sa lahat at isa sa mga kinakatakutan ng mga elves.


Ang aklat ay nilikha sa panahon ng mga diyos, ito ang age of god's. Ang panahon kung saan huminto ang oras at hindi nabago ang hinaharap dahil sa panahon ng mga diyos ang digmaan ay walang tigil.


Laging dala ni lord teraiziter ang itim na aklat sa tuwing makikipagdigma dahil kinukuha niya ang kanyang kapangyarihan sa mga letrang nakatala dito. Ang mga orasiyon na gawa sa itim na salamangka ang nagiging kalakasan ni lord teraiziter dejirin.


Ang itim na aklat at ang katawan ni lord teraiziter dejirin ay iisa, dahil iyon sa pagkahumaling niya sa itim na kapangyarihan ay kanyang inialay ang sariling kaluluwa sa diyos ng kadiliman.


Sinakop niya ang randeror ang tahanan ng mga kabalyero na may mahuhusay na mangangabayo,Matatapang at may matitibay na espada ngunit nabigo ang randeror at ang hari nito na ipagtanggol ang kanilang lupain kaya't nasakop ito ng teruvron na walang kahirap-hirap.


Dahil sa itim na aklat ang kapangyarihan ni lord teraiziter dejirin ay lalong lumawak sa nuhrim eartin. Dahil sa kagustohang masakop ang mga kalahi ng elves nagpadala ito ng libu-libong hukbo sa lahat ng lupain na nasasakupan ng mga elfs, ang andican kingdom ay ang kaharian ng mga elfs.


Ang mga matatapang na elfs ay kanyang napabagsak dahil sa lakas ng kanyang hukbo na hiniling niya sa itim na aklat, dahil sa pagkabigo ng mga elfs, ang hari ng andican ay nagpakamatay dahil isang malaking kahihiyan ang kanyang nagawa para sa mga nakatataas na elves.


Hindi iyon nagustohan ng white counsel kung saan naninirahan ang matataas na uri ng mga elves. Ang kanilang mga kalahi ay isa isang bumagsak sa kamay ni lord teraiziter.


Dahil sa naganap na digmaan sa andican o lupain ng mga elfs ay nagkagulo ang mamamayan ng reviin tur sila'y nangamba at natakot para sa kanilang kaligtasan. Dahil ang kanilang lupain ay malapit lamang sa andican mountain kaya't ano mang oras ay maaaring sumalakay ang hukbo ni lord teraiziter dejirin sa kanilang bayan.


Hindi pinalagpas ni lord teraiziter dejirin ang pagsalakay sa maliit na kaharian ng reviin tur, ang lupain ng mga mangangaso ay kanyang napabagsak kabilang na ang sentro ng lupain. Bumagsak ang maliliit na bayan ng reviin tur at kanila ring nasakop ang sentro ng kalakasan.


Ang pulang bandila na may kurteng dragon na mula sa teruvron ay kumalat sa iba't ibang parte ng nuhrim eartin tanda na pag-aari ng teruvron ang mga kahariang may tatak ng dragon. Laganap ang karahasan at pagpapasakit sa mga nilalang na walang kalaban-laban.


Ang panahon ng evilder ay lumaganap noon dahil sa tulong ng itim na aklat, at ang hari ng teruvron ang nagpalaganap ng kasamaan sa nuhrim eartin.


Ngunit hindi pa nagsisimula ang tunay na digmaan dahil nang sumikat ang araw sa hilaga ng kabundukan ng tarzanaria ay tumunog ang tambuli ng puting bundok, ang tambuling iyon ay mula sa highest counsel ng nuhrim eartin.


Narinig iyon ng mga espiya mula sa teruvron kaya't hindi na nagpadalos dalos si lord teraiziter dejirin na sakupin ang white counsel. Pinaghandaan ni lord teraiziter ang pagsalakay sa white counsel na hindi mahihirapan.


Ang mga elves ay naninirahan sa puting bundok at pinamumunuan ito ni lord airin enirin ang diyos ng white counsel.


Napag-alaman ni lord teraiziter dejirin na mayroong isang kaharian ang nagtatago sa naglalakihang kabundukan ng tarzanaria. Dahil sa namataan nitong banta nagpadala ng hukbo si lord teraiziter sa lupain ng tarzanaria kung saan naninirahan ang mga tao.


Ngunit ang matatalinong tao ay hindi nagpadala sa takot bagkos hinarap nila ang hukbo ng teruvron at sila'y nakipagdigma.


Sa huling digmaan nabigo si lord teraiziter na masakop ang tarzanaria kingdom,the tarzanaria kingdom is the land of human. Ang lupain ng mga tao ay bigong lagyan ng pulang bandila.


Tinatayang nasa isang milyung evilders ang sumugod sa tarzanaria mountain ngunit bigo silang makapasok sa sentro ng kaharian.


Dahil sa bigong matalo ang hukbo ng tarzanaria ay nagpadala pa ng libu-libong mga rebdi o mga higanting halimaw si lord teraiziter sa tarzanaria ngunit napag-alaman iyon ni lord airin enirin kaya't hindi siya pumayag na makapasok sa tarzanaria ang mga kaaway kaya't naglunsad ito ng digmaan sa ibaba ng bundok ng tarzanaria.


Nakipaglaban si lord teraiziter sa hukbo ng white counsel ngunit sadyang malakas at mahuhusay makipaglaban ang mga elves kaya't ang hanay ng kadiliman ay unti unting bumagsak. Natalo ang teruvron sa digmaan kasama na ang hari nito,the king of teruvron died into the hand of lord of the mountains.


Kasama ng white counsel ang mga mandirigmang dwarves dahil nais ng mga dwarves na magkaroon ng tubig sa kanilang lupain mula sa malinis at malamig na tubig mula sa white counsel na siya namang ipinangako ni lord airin enirin.


Walang malinis na tubig ang toretirim kung saan naninirahan ang mga dwarves, mayaman sa lahat ng hiyas ngunit hindi sa tubig.


Hawak hawak ni lord teraiziter ang itim na aklat at binasa nito ang isang orasiyon. Lumikha ito ng apoy na kulay itim at nagawa niyang buhayin ang mga patay na evilders. Kahit na bumagsak na ang hukbo nito nagawa niya pa ring basahin ang itim na orasiyon.


Ang mga kalansay ng mga namayapa na ay muling nagkaroon ng buhay at sila'y naglingkod sa kadiliman.


Dahil sa lakas ng hukbo ng white counsel nagapi nila ang kaaway sa loob ng sampong araw.
Ang nagyeyelong kabundukan ay nabalot ng mapulang likido at nagkalat ang mga katawan at ang mga sandata nito.


Nabigo si lord teraiziter dejirin sa nais nitong maging diyos ng white counsel. Nais niyang pantayan ang mga elves, dahil sa galit ni lord teraiziter hindi niya napigilan ang sarili na sumugod sa kinaroroonan ni lord airin.


Hindi nya matanggap ang pagkatalo sa digmaan lalo na't nasa kanya ang itim na aklat ngunit hindi iyon naging sapat para matalo ang hukbo ng dalawang lahi. Ang mga elves ay may alam din sa mahika gaya na lamang ni lady qenhrin ang diyosa ng buwan, siya ay may mahikang tinataglay na kayang kuntrolin ang kadiliman.


Nagtagisan ang dalawang pinuno ng dalawang pangkat ngunit isa lamang sa kanila ang nanaig. Nabitawan ni lord teraiziter ang itim na aklat dahilan upang siya'y mang hina at matalo.


Dahan dahan niyang ginapang ang aklat at nais niya muli itong makuhang muli ngunit tila ba may pumigil dito.


Nang kukunin niya na ang itim na aklat ay bigla itong nakaramdam ng takot. Takot ang nanaig sa kanyang puso dahil wala na sa mga kamay niya ang itim na aklat na bumubuhay sa kanyang kaluluwa.


Ang puso ng kadiliman ay unti unting nagigising at nagkakaroon ng buhay, ang itim na likidong dumadaloy sa kanyang ugat ay naging pula tanda na ang hari ng kadiliman ay may pusong buhay.


Si lord teraiziter ay unti unting nalusaw dahil sa espadang nakatusok sa kanyang dibdib. Ang aklat na hawak nito ay nakuha ni lord airin at dinala niya iyon sa ligtas na lugar ang, tahanan ng mga diwata ang kanyang napiling paglagyan ng itim na aklat.


Ang diyos ng kadiliman ay naglaho na parang bula. Ngunit ang espirito nito ay patuloy pa rin sa pagggala at nanatili iyon sa kanyang kaharian.


Kahit na isa na lamang siyang anino ay nagagawa niya pa ring magpakita at manakit sa pamamagitan ng mga bulong. Mga bulong na kung hindi mo kayang pigilan ikaw ay mapupunta sa kanyang mga palad.


Ang teruvron ay wala ng hari ngunit ang mga alagad nito ay patuloy pa rin sa pagtawag ng pangalan sa kanya. Ang pangalan ni lord teraiziter dejirin ay kanilang hinahanap.


Nagkaroon ng kapayapaan sa elves land at iba pang mga lupain at ang mga kahariang inalipin ay nakalaya na at ibinagay ang dapat na sa kanila.
Mga ginto at lupain ay unti unting naibalik sa kanila ng white counsel.


"Ang panahon ng evilder ay tapos na! Panahon na para tayo naman ang mangibabaw!"


Si lord airin enirin ang naging dahilan ng pagbagsak ng teruvron sa panahon niya ngunit lingid sa kaalaman ng lahat na ang abandunadong lupain ay unti unting nagkakaroon ng buhay. Ang teruvron ay muling nagpaparamdam.


Isang espiya ang nagsabing ang tarangkahan ng teruvron ay bukas at ang anim na tore nito ay may mga sulo. Maingay sa loob na animoy nagpapanday ng mga matitibay na sandata at naghuhulma ng mga bagong pandigma.


"Naghahanda na sila!"


Ang age of evilder ay tapos na ngunit ang ingay na narinig sa teruvron ay isang malaking banta, makalipas ang ilang daang libong taon ay muling nagkaroon ng bagong bangungot ang mga nilalang sa nuhrim eartin.


Sa panahon ng wrin ang digmaan ay laganap, mas naging matindi pa ang mga naganap sa panahon ng wrin.


-BATTLE OF TWO KINGDOM-


Kaunting kaalaman:


Alam nyo ba na ang mga elf na naninirahan sa nuhrim eartin ay nahahati sa dalawang lahi? Ang tinatawag na elf ay naninirahan sa andican kingdom habang ang nakatataas sa kanila ay tinatawag na elves at naninirahan naman sa white counsel kaya't sila ang nakatataas sa lahat ng mga nilalang sa nuhrim eartin dahil sila ay ang mga naunang nilalang sa nuhrim eartin.


┻┳| WAG SUMUKO!
┳┻| MAY PANGARAP KA!
┻┳| LABAN LANG KAIBIGAN!
┳┻| PARA MAABOT 'YAN!
┻┳